CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, October 15, 2011

Sulat

Hi. 

Kamusta ka na? Naririyan ka pa pala at patuloy na nananatili. Ang aking akala ay wala ka na sa sirkulayson ng buhay ko. Nagulat na lang ako sa sarili ko isang araw nang mabisita kita. Aba, maganda ka pala. Maganda rin pala ang na-i-bahagi mo sa buhay ko simula pa nung una. Lalo na nang pasukin, libutin at balikan kong muli ang mga ala-ala ng nakaraan. Na-inspire muli ako na hanap-hanapin ang gawaing ito. Hindi ka man kasing popular, kasing higante o kasing karangya ng iba, nadama ko pa rin ang nilalaman ng puso mo. Naramdaman ko muli ang pagkilala sa iyo... 

Kung minsan, kumukuha ako ng inspirasyon sa iba't-ibang uring kagaya mo, mas malalaki at mas matataas ang kanilang nilalaman kaya naman ako ay namamangha at nahihikayat; kahit na hindi nila alam na sa maliit na pamamaraan, ako rin ay napapangiti nila. Gayun pa man, alam kong mas masisiyahan ako ng higit kung ikaw din ay akin pang lilinangin...

Lubos akong umaasa na mabibigyan kita ng sapat na atensyon upang ng sa ganoon ay maiparamdam ko rin naman sa iyo kung ano ang iyong halaga sa aking buhay. Marami akong gustong ibahagi sa iyo - masasaya, malulungkot, nakaka-inis, mga pagsubok at iba pang kuwento sa aking buhay. Hintayin mo lamang ng may kasamang tiyaga at ako ay magbabalik muli sa iyo...

yamieslife

Tuesday, March 22, 2011

I ♥ Cebu

Welcome to the Queen City of the South - Cebu City.

August 13, 2010: Off to Cebu City



Ang flight time namin is 8:00 am. My hubby drove me to chelle's house to pick her up around 5:30 am, then we headed towards joy's house. And then joy's husband drove us to NAIA terminal 3. Ang aga namin,6:15 am, we're already at the airport.





We had burger steak meal for breakfast. Ang babaw noh, Actually hot choco lang pwede na sa akin.




Meet my travel buddies - Chelle (on my left) and Joy (on my right). We've been traveling for quite some time now. And i really really enjoy being with these two bestfriends of mine. :-)



We landed the Mactan-Cebu International Airport  around 9:30 am. This is my first time via cebu pacific, and so i was amazed about the airline's gimmick about "bring me". I am hoping to win someday. (haha, ang babaw talaga!)






Must have if you're new in the city? A MAP! We've learned this from reading different travel magazines. Kasi before, basta makapunta lang kami ng wala man lang kaalam-alam sa lugar. Now we knew what to do this time. hihi. 

We decided to wait for a taxi sa pilahan (the white taxi) rather than hiring a yellow taxi for we've learned that they may overprice thier fare on to cebu city.



And so, after 30 mins of waiting, nakakuha din kami ng taxi. My heart drops when we started to enter Mandaue City. (its really worth the wait).
While we're on our way to our Hotel, chinika-chika pa kami ng driver. He's nice naman and he's willing to pick us up para maihatid sa mga places na nasa itinerary namin. Since that's really our plan, we agreed to start our cebu city tour adventure after lunch. We stayed at Roseate Pension House. A not so expensive hotel. Enough for us to stay overnight.



Roseate Pension House:
cor V. Urgello St. and Jose Avenue
Tel No. 254 - 0281/ 245 - 6267 / 418-7152
0921 - 8502009
roseatepensione@yahoo.com
For Standard Room / Twin 2-double size bed, it only costs us P1,138 for 3 persons. Not a bad deal for a fully air conditioned room, cable tv, telephone, and a private bathroom with hot shower.

We first visited the famous Magellan's Cross.


I was amazed by the beauty of this historical place. It did not fail my expectations.
The next place we visited is the Basilica de Sto. Nino which is just across the Magellan's Cross.


One thing i'm learning about traveling is to visit not just the historical places that embarks the richness of one's culture but also the local churche(s) in order for us to ask for guidance along the way. :-)

Our next pit stop is the Fort De San Pedro. I am not fully aware of the history behind those great walls, what i only knew is that the structure was used as military defense during that time. hmmm...sounds interesting.



Next, we headed to one of the most significant historical shrine in the country - the famous Lapu-Lapu Shrine. Super mainit nga lang when we visited the place. I guess mas okay mag-punta if around 4-5 pm. Kasi kami, around 2pm so super taas pa talaga ng araw, nevertheless, the beauty of the place speaks its history.


Another A-Must-Place to visit here in Cebu is the Taoist Temple.Unfortunately, we we're so late, kaya closed na ang temple. It closes at 5pm, and were like late for about 30 mins. Sayang, we intend to climb pa naman the 99 steps of the temple. Well, there's always a next time :-)


Taboan Market is our next destination - the home of dried fish. Ito yung place na hindi pwedeng mawala sa itinerary ng visit sa Cebu. Marami kasing nag-e-expect ng pasalubong :-) So here it is, just choose and select your best dried fish.


We were also able to visit CNT lechon - the best of the best lechon in town. Too bad, we weren't able to take a photo of it.*sad :-(

After buying pasalubong, we had our dinner at Larsian. Sabi nga sa nila, if you haven't heard the word Larsian, you haven't been to Cebu. During our cebu-planning session with my bestbuds, I pictured the place similar to the most common ihawan place here in sta rosa, not until i actually seen the place. Super enjoy ako sa presentation ng rice nila. Sobrang new ito sa akin. In fairness, naka 5-6 pcs yata ako ng rice with more than 5 sticks of ihaw. *burp


(Pasenya na at wala akong picture to show you the whole place, which i think mas okay, just so, you may also experience it yourself as well. hihihi)

We end up our cebu city tour in a breathtaking view of the whole city of Cebu and the island of Mactan in a place called Tops in Busay Hills. For me, its one of the reason why Cebu is called the Queen City of the South for its really shows the sovereign of a kingdom rich in culture and beauty deserving to own a crown. Sobrang romantic ng place and we were like staring with the entire city for about an hour - wishing we could own a city like this :-) 



Cebu City tour is truly an amazing experience for me. In fact... I actually left my heart in Cebu :-)

 
yamieslife

Saturday, March 19, 2011

Anti-Pressure

i've been working out on a project for quite some time now, and i can't see any results. haist, andaming factors to consider. and i must admit, nahihirapan ako. na pre-pressure ako. andami ko pa man ding gustong gawin. grrrrr.... any anti-pressure out there?

yamieslife

Monday, February 28, 2011

Nega sa FB...wat to do?

bakit ang tao kapag naiinis, sa fb ibinabaling? as in sa wall nila. kung may galit ka or inis sa isang tao, pwede mo nman i-post sa wall nila mismo? you scared litte rat :-) hihi.

madami-dami na rin akong nababasang nega sa fb, anjan ung maiinis ka sa kasakay mo sa jip, tas magpopost ka sa fb mo ng "i had a bad day today, kasi may putok ung katabi ko, hmf". meron din naman na naiimbyerna ka sa kabitbahay mo, sabay post sa wall mo ng "can't you make linis and walis your own backyard huh?" tas andaming mag-li-like sa post mo. meron din naman na sobrang galit ka sa friend mo, sabay parinig sa wall mo ng, "friends don't make sulot thier boyfriend", tas may mag-co-comment ng "ok lang yan friendship, kaya mo yan!". hello? naagawan n kaya panu pa sya makaka-move on nun diba? haist. pero ang pinaka popular sa lahat is ung office war. anjan ung maiinis sa boss nila, tapos mag-popost sa fb ng "may utak ka ba?" or "ako kaya ang ilagay sa position mo, baka mas competent pa ako sau". meron naman na papa-hanginan ka lang, yung tipong guessing game tulad nito "ang department naman nila ang number one violator".

hay naku, pag ganyan ang nakikita ko sa newsfeed ko, hide button agad. wala akong panahon sa negativity. dapat puro positivity lang tau guys. dapat yung mga post mo, ung tipong makaka-inspire ka sa mga taong nakapaligid sayo. oo, wala naman masama kung maglabas ka ng hinaing, lalo nga naman kung may nakasakay ka sa jeep na amoy bulok na sibuyas, pero kung araw-araw na lang na binigay sa'yo na life ni god is puro negativity na lang ang ipi-no-post mo, aba naman, di ka na nakakatulong sa buhay ng ibang tao. at eto pa, kung magpaparinig ka rin lang sa officemate mo, better yet, confront him/her at sabihin mong, "hey officemate, you're not good as me, go to hell!!!" o diba, at least kau lang dalawa ang nakaka-alam ng away nyo, hindi ung may mag-li-like pa sa post mo. tse! siguro wala kang life (lovelife, familylife, nightlife, sis-life at kung anu-ano pang life) kaya araw-araw na lang nega ka! kung hindi mo naman kaya, sige na nga, i rerecomend ko na rin na magpaka-nega ka ng konting-konti lang.  pero dapat, i post mo yan sa wall nya, hindi sa wall mo, at sabihin mong "hey enemy wall, i dont like you, kasi masyado kang magaling, next time, pag-bigyan mo naman ako mag - shine, para ako naman ang napapansin". o diba at least mejo sweet ka pa ng lagay na yan. 

hindi ko nga ba maintindihan kung bakit may mga taong nega, lalung-lalo na ung isang officemate ko na parati kong nababasahan ng nega sa fb. makailang-segundo kong inisip kung bakit. at makalipas ng 2.1667 seconds, eto ang resulta:

una: dahil syang walang boypren. gustuhin man nyang magka-boypren, her looks doesn't permits it *wink*

pangalawa: hindi sya makapag-shopping, o wala siguro syang pang-shopping kaya ginagawa nyang past time ang pag-popost sa fb ng ka-nega-han. hay naku, advice ko sau, punta ka ng mall, kahit sa SM lang, para at least masiyahan naman yang mga mata mo sa latest trends ng fashion huh? pahiramin kita ng pangkaskas, kahit ako na ang magbayad. basta 0% interest lang ang i-a-avail mo ha?

pangatlo: hindi pa sya nakaka experience magpa massage. naku Ning, i try mo ito ha at ng may bagong daloy naman ng relaxation sa iyong katawan. for sure, magbabago ang takbo ng isip mo.

pang-apat: fb lang ang social networking site na meron sya.  try mo naman mag-register sa twitter, para at least, mas bongga ang tweets mo.

panglima: walang hilig ang travel sau. lapit ka lang sa akin, marami-rami na rin ako na pwedeng ma-i-recommend sau. yung iba, kahit di ko pa napupuntahan, nababasa ko naman ang karamihan sa blog ni chyng (yes, special mention, kasi super fan nya ako*hugs* ). para hindi puro fb ang inaatupag mo, mag blog ka, kahit maging silent reader ka lang. 

marami namang pwede magawa sa buhay na kapaki-pakinabang kesa magpopost ka ng nega. instead of being bitch, be a beach na open for all positivity. (may kunek ba? at least magka-ryhme). halimbawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay:

1. mag-pa salon ka para na rerebond ang hair mo, para pwede ka ng lumandi.
2. read books (traveling books highly recommended)
3. watch a movie w/ friends
4. mag coffee ka sa starbucks
5. mag pa dentist ka, para mabigyan ka ng advice kung kelangan ka ng i-bracket o hindi
6.  punta ka sa cosmetics section ng mall para maka select ka ng tamang concealer (iyon naman e, kung alam mo) 
7. kain ka sa ibat-ibang resto para ma explore mo ang ibat-ibang klase ng cuisine.
8. organize csr, tas propose mo sa akin baka sakaling i recommend ko pa sa mgmt.
9. mag out-of-town ka, gamitin mo naman vl mo, wag na lang yung parating convert to cash at the end of the year
10. get married

reflection: sabi nga sa Law of the Garbage Truck:

many people are like garbage trucks. they run around full of garbage, full of frustration, full of anger, and full of disappointment. as their garbage piles up, they need a place to dump it and sometimes they'll dump it on you. don't take it personally. just smile, wave, wish them well, and move on. don't take their garbage and spread it to other people at work, at home, or on the streets. 

Life is ten percent what you make it and ninety percent how you take it!
(serious ang ending?) pak!

yamieslife

Saturday, February 19, 2011

Food Trip on my nth year

Nth year anniversary ko sa work two days ago. wala akong preparation, hindi ko din binalak na mag treat man lang. ayoko kasi maki-uso. ang gusto ko kasi pag nag treat ako, totoo sa puso. (hehe). may report presentation ako sa management that morning, so sobrang tense ako. parang pakiramdam ko, ma-uumagahan ang beauty ko sa mga japs executives. haist. i have a feeling na aabutin na naman kami sa loob ng conference room ng 3 hrs discussing this and that and all those stuffs. buti na lang, May nag text! (on a vice ganda tone!) 
Textmate:"papa-order po ba aku ng chix inasal?" 
          AKO: "yes please :-)"

syempre, KKB noh! di kasi sila aware na its my nth year anniversary sa work. and so after 3 hrs...lunch time na. yey! antalap ng inasal. paid off ang hardwork. (ang babaw!)

3pm coffee break: sabi ni boss, mag ice cream tayo! sino ba naman ang ayaw ng ice cream, so sbi namin lahat, go basta charge sayo. ahihi. and so, for our 2nd foodtrip, icecream ni manang sa cafeteria. pwede na!

6pm, halos uwian na lahat ng employee maliban na lang sa masisipag at dedicated na uring manggagawa na katulad ko. *wink*
sabi ng isang boss kay boss: mag canton tayo, samahan natin ng loaf bread, corned beed and softdrinks! mabilis pa sa kidlat ang pag-dial ko sa fone, local 219

AKO:"helo manang, pa order po ng 10 pancit canton, 4 corned beef, one loafbread and isang 1.5 na softdrinks, charged to boss :-)"
Manang: "mam, iakyat ko na lang pu ba jan?"
AKO: "yes please, thank you" (ang lambing, pag libre food talaga).ahihihi

solve ang gutom ng mga uring manggagawa.

reflection ko sa sarili ko: hindi man ako ngpakain, kusang dumarating ang pagkakataon na may kasiyahan kang natatanggap out of nowhere, basta dumating lang. hindi man magarbo at puro kababawan ang naganap, stress relieving pa rin ito sa magulo, time-pressured, at ma-intrigang mundo ng showbiz na aking pinili. :-) ahihi. (parang wala naman kunek) ang gusto ko lang sabihin, baka dapat next year, magpakain nako *ding*

yamieslife

Tuesday, February 8, 2011

Minsan isang Sabado

Isang Sabado ng di inaasahan na pangyayari: sapagkat napasakay at napasabay ako sa mga taong di ko naman pangkaraniwang nakakahalubilo.

Isang Sabado ng kalungkutan: sapagkat di ko naman pinlano subalit, narito ako sa di inaasahang pagkakataon.

Isang Sabado ng pagkabalisa: sapagkat gusto kong makawala, subalit wala akong kakayahan kung paano. May i call a friend na ako, subalit ako'y bigo.

Isang Sabado ng pagkamangha: sa mga rebelasyon na ngayon lang nabibigyang kasagutan.

Isang Sabado ng pagkamuhi: sa mga pangyayari at sa mga walang pakiramdam at patuloy na kahihiyan ang idinudulot sa kanilang buhay.

Isang Sabado ng pagkukunwari: sa mga kasiyahang patuloy na nagaganap; na sa kabila ng mga ngiti at halakhak ay pait ang tunay na saloobin.

Isang Sabado ng katotohanan: na walang nais na magkubli ng tunay na nagaganap.

Isang Sabado ng balat-kayo: na sa kabila ng nakabilad na katotohanan, walang nais na maglantad sa publiko ng tunay na naisin.

Isang Sabado ng samahan: na hindi mabatid ang pinag-iba ng panaginip at realidad.

Isang Sabado ng pagtanggap: sapagkat pagsabay pa rin sa agos ang nananaig.

(Kung sa simula pa lamang ay narito na si Red, wala sana ako dito)



yamieslife

Thursday, January 13, 2011

You can make your life Beautiful

I went to my Mom's house last night just to chat with her. But she's on a prayer meeting. (I forgot!) There in Mom's house was my two Ate. We had a chitchat about how's life is going on now and all those stuffs, and our conversation lead to Bo Sanchez' books. My Ate lend me one of her book entitled "You Can Make Your Life Beautiful". I was a bit excited to read it right then and then, but i managed to control myself for i wanted to read it in a more private way. For i know that i'd appreciate the content of it more seriously when i read it at home. And so after dinner, i let my kids do thier wash up and we went straight to bed. Good thing, my kids fell asleep right away. I get the book my sister lend to me and started to read...the title says "You can make you Life Beautiful with subtitle, Discover a Simple Path to Happiness". Uy, may simple path pala to happiness, Shortcut ba. And so, my eagerness to read the contents increase. Some of the content caught my attention.

*Hug Someone Today While There's Time
*Your Past Doesn't Define Your Future
*You Can Choose to Be Happy
*Be a Dolphin, Not a Shark


Hmmm...sounds interesting. And so i read the Preface and it says: "If in one story, you discover a spiritual truth that will raise the quality of your life, or give you deeper joy, or change the direction of your path - then hold on to that truth."

If that's so, i'll just hold on to that truth for now and give you more updates about the beauty of the book soon :-)






yamieslife

Wednesday, January 12, 2011

Surprise...by Horoscope

Na leyt ako sa pagpasok kanina. E kasi naman, masama ang pakiramdam ni hubby kaya to the rescue ang drama ng lola nyo...but anyway, superhiway, hindi about jan ang story ko, obvious ba sa title? (ang sungit!) Tungkol ito sa napanood kong horoscope ni Zenaida Seva ng Umagang Kay Ganda. Ang topic ng horoscope is about surprises, kaya kahit na kanda plantsa ako ng mga uniforms e, talaga namang umaabot ang tenga at paningin ko sa TV. Ang sabi sa horoscope ko, makakatanggap daw ako ngayon ng surpresa na may kinalaman sa career. Na excite ako at muntik ng mapaso ang kamay ko sa plantsahan. (exagg!!) Wow! Naisip ko kaagad ang salary increase via performance evaluation na ibibigay this year plus the much awaited Calabarzon wage increase (via distortion at our level). Bukod dun, naisip ko din na baka bigyan ako ng promotion, or ng car loan (yes! may brand new nako at hindi na second hand) or ng house and lot pag walang leyt, hehe, or ng free trip to boracay or much better international trip, let's say HK Disneyland or Japan Disneyland, since mga Japs naman ang amo ko.(hihi) Napahinto lang ako sa imagination surprises ko ng biglang sumipol ang tubig na iniinit ko pampaligo. Oo na, wala kaming heater! At oo na, kelangan mainit na tubig pampaligo ko. Mahal kaya magkasakit ngayon noh! Actually para rin un sa mga junakis ko na takot sa malamig na tubig. O shya, balik sa kwento... At dahil nga leyt na, hindi na masyado nag sink in sa mala giant kong pag-iisip ang surprise surprise na yan dahil sa kangaragan pag-aasikaso sa mga kidets ko. Pagkahatid sa skul, derecho agad me sa opis. At dahil wala akong driver cum hubby (may sakit diba), super effort tuloy ako sa pag co-commute. Ang hirap! Kaya tuluyan ng na erase ang surprise via horoscope ang kani-kanina lang ay mala dyosa kong imagination.

Nagbalik lang lahat ng alalala ng surprise ng biglang nakatanggap ako ng "surprise" na liham. Pucha! Galing citibank! Kinabahan tuloy ako at baka magbabayad na naman ako sa lintik na credit card na yan. Naalala ko tuloy ang nga kinaskas ko nung nakaraang pasko. Well, nung sinipat-sipat ko naman ang envelope, hindi naman mukhang billing. Uber-uber pa nga sa pagka sealed ng envelope. Nang kapain ko at buksan ang laman, eto ang nakuha ko....Janjararan!!!!  


Isang GC! Putek! anu kaya kinalaman nito sa career surprise ko?!? Muntik ko nang mai shred ang GC (OA lang!) sa kadahilanang di ko makita ang connect ng career surprise sa P200 off pag bili ng gatas.Buti na lang, nahimasmasan ako. Hello? GC is GC noh! At least surprise pa din. Haha!

Naisip ko bigla ang reflection ng career surprise...hmmm...baka makaka-discover ako ng milk formula at iyon ang ikayayaman ko (harharhar) or baka kunin akong endorser ng milk, parang si kris a. (haha) Y not? Think positive diba. Ikaw anu sa tingin mo?

Katulad nga ng ending line ni zenaida, naniniwala ako na...

"Hindi hawak ng mga bituin ang kapalaran natin, gabay lamang sila. Mayroon tayong free will, gamitin natin ito."
:-)

yamieslife

Saturday, January 8, 2011

365 and 1/4 posts

isa lang ang naisip ko pag sapit ng 2011. ang mag move on. as in mag move on sa lahat ng hang ups na na experience ko last year. maraming nangyari, maraming nasaktan, maraming nakasakit, pero bottom line is kailangan mag move on...

actually, nagulat ako sa sarili ko, dahil eto na naman ako sa blog ko. matagal-tagal na rin akong hindi nakabisita sa mundo kong ito. matagal-tagal na rin na hindi ako nakasubaybay sa mga favorite kong puntahan na blogs. na miss kong tumawa, umiyak at maka relate sa mga blogs na madalas kong basahin. wish ko lang mas dumami ang oras ko sa blogging ngayong taon na ito sa kabila ng mga commitments ko ngayong 2011 (wow! parang celebrity lang..hehe)

a basta, isasama ko ito sa goal ko this 2011. ang maka 365 1/4 na posts this year. pang 1/4 na ito. 365 more to go. hoping!

:-)