Nth year anniversary ko sa work two days ago. wala akong preparation, hindi ko din binalak na mag treat man lang. ayoko kasi maki-uso. ang gusto ko kasi pag nag treat ako, totoo sa puso. (hehe). may report presentation ako sa management that morning, so sobrang tense ako. parang pakiramdam ko, ma-uumagahan ang beauty ko sa mga japs executives. haist. i have a feeling na aabutin na naman kami sa loob ng conference room ng 3 hrs discussing this and that and all those stuffs. buti na lang, May nag text! (on a vice ganda tone!)
Textmate:"papa-order po ba aku ng chix inasal?"
AKO: "yes please :-)"
syempre, KKB noh! di kasi sila aware na its my nth year anniversary sa work. and so after 3 hrs...lunch time na. yey! antalap ng inasal. paid off ang hardwork. (ang babaw!)
3pm coffee break: sabi ni boss, mag ice cream tayo! sino ba naman ang ayaw ng ice cream, so sbi namin lahat, go basta charge sayo. ahihi. and so, for our 2nd foodtrip, icecream ni manang sa cafeteria. pwede na!
6pm, halos uwian na lahat ng employee maliban na lang sa masisipag at dedicated na uring manggagawa na katulad ko. *wink*
sabi ng isang boss kay boss: mag canton tayo, samahan natin ng loaf bread, corned beed and softdrinks! mabilis pa sa kidlat ang pag-dial ko sa fone, local 219
AKO:"helo manang, pa order po ng 10 pancit canton, 4 corned beef, one loafbread and isang 1.5 na softdrinks, charged to boss :-)"
Manang: "mam, iakyat ko na lang pu ba jan?"
AKO: "yes please, thank you" (ang lambing, pag libre food talaga).ahihihi
solve ang gutom ng mga uring manggagawa.
reflection ko sa sarili ko: hindi man ako ngpakain, kusang dumarating ang pagkakataon na may kasiyahan kang natatanggap out of nowhere, basta dumating lang. hindi man magarbo at puro kababawan ang naganap, stress relieving pa rin ito sa magulo, time-pressured, at ma-intrigang mundo ng showbiz na aking pinili. :-) ahihi. (parang wala naman kunek) ang gusto ko lang sabihin, baka dapat next year, magpakain nako *ding*
yamieslife
2 comments:
coffee lang dear solve na kami ni Joy!
akalain mo yun naka nth year ka na jan! hehehe
miss ko na din coffee sis :-)
Post a Comment