CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, August 26, 2010

Major Major Hurt

Habang nag bro-browse ako ng fb kani-kanina lang, para bang may masamang hangin na nag-udyok na lang sa akin na i-open ko ang isang 'account' na dapat ay hindi ko na gagawin sa tanang buhay ko. Bakit? Kasi alam ko naman na masasaktan lang ako. As in bongang-bongang hurt.

Matagal ng panahon ang major major hurt na ito. Sa pagkaka-alam ko pa nga, nakalimutan ko na ito. Nakalimutan na nga ba or pinipilit ko lang kalimutan. Whatever it is, limot pa din ang root word, kaya inadmit ko na lang na nakalimutan ko na nga itong talaga.

Pero bakit kapag nakaka-remind ako ng bagay na may connect sa major major hurt na ito, ang pakiramdam ko is as if nandun pa din ako sa sitwasyon na yon? Hindi ako makawala. Hindi ko maiwasan na may kirot, hapdi at sakit pa rin na naiiwan sa puso ko? Sa totoo lang, gusto ko na itong ma forget. As in mawala sa isip ko, subalit hindi kinakaya ng katawang lupa ko? 

Unfinished business ba ito? Actually, kung tutuusin, ni hindi alam ng account na nakita ko ang mga issues ko sa kung ano mang unfinished business ang pinagsasasabi ko. Ni hindi nga nya yata ako kilala. Which i believe too impossible to be true! Oh C'mon! Super super imposible na hindi nya ako kilala. OO nga, as in dapat kilala nya ko. AT DAPAT MAKILALA NYA ako. Makilala nya kung sino ang kinalaban nya before... Hindi ko masyado alam ang details ng mga pangyayari before, which i believe the NO. 1 reason ng major major hurt na ito. Hindi ko alam ang lalim, ang level, ang length - ang alam ko lang I was DEEPLY HURT finding it out. Masakit malaman ang totoo. Sobrang sakit. Parang end of the world na. Parang wala ka nang iluluha pa. But i was able to move on. Unti-unti.

But then again, major major hurt pa rin pala ang bubulaga sa akin, pagkatapos ng lahat.At ang masakit pa, ni hindi ko alam kung paano ba mawawala ang major major na pagka -hurt ko? Ako lang naman ang affected. Ako lang naman ang bumubuhay sa matagal ng dead na issues. Anong magagawa ko?

Siguro talaga lang time heal all wounds. Di ko man masagot kung hanggang kailan ako mahu-hurt, okay na rin, pansamantagal pansamantala. :-x

0 comments: