CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, August 29, 2010

On Being a Fan



I super like ASAP's opening number this afternoon on showcasing international music icons . I can't help but to be a fan ^_^ . I admire Kanto Boys, ever since. Luis is a hunk, Billy is super hot on his moves (talaga namang mala-international pa din ang dating nhya), and Loydie is just so himself in the dance floor, i miss Vhong in the group (for he was hospitalized). Dance number/part of Iya, Shaina and Maja on Lady Gaga's 'Just Dance 'performance  was awesome . Dance kung dance talaga. I would consider Bea's number as one of the highlights of the number, when she copied beyonce performance 'Crazy In Love', even is she sung lip-sync. I just love her dress and she has a pair of perfect legs. As in wow. Melai also nailed the stage on her black and violet dress with the music of vogue. The number ended with Sarah and Arnel on U2's elevation.

Its just another stress relieving portion for me. 'So glad i was able to watch one like this.

yamieslife

Thursday, August 26, 2010

Major Major Hurt

Habang nag bro-browse ako ng fb kani-kanina lang, para bang may masamang hangin na nag-udyok na lang sa akin na i-open ko ang isang 'account' na dapat ay hindi ko na gagawin sa tanang buhay ko. Bakit? Kasi alam ko naman na masasaktan lang ako. As in bongang-bongang hurt.

Matagal ng panahon ang major major hurt na ito. Sa pagkaka-alam ko pa nga, nakalimutan ko na ito. Nakalimutan na nga ba or pinipilit ko lang kalimutan. Whatever it is, limot pa din ang root word, kaya inadmit ko na lang na nakalimutan ko na nga itong talaga.

Pero bakit kapag nakaka-remind ako ng bagay na may connect sa major major hurt na ito, ang pakiramdam ko is as if nandun pa din ako sa sitwasyon na yon? Hindi ako makawala. Hindi ko maiwasan na may kirot, hapdi at sakit pa rin na naiiwan sa puso ko? Sa totoo lang, gusto ko na itong ma forget. As in mawala sa isip ko, subalit hindi kinakaya ng katawang lupa ko? 

Unfinished business ba ito? Actually, kung tutuusin, ni hindi alam ng account na nakita ko ang mga issues ko sa kung ano mang unfinished business ang pinagsasasabi ko. Ni hindi nga nya yata ako kilala. Which i believe too impossible to be true! Oh C'mon! Super super imposible na hindi nya ako kilala. OO nga, as in dapat kilala nya ko. AT DAPAT MAKILALA NYA ako. Makilala nya kung sino ang kinalaban nya before... Hindi ko masyado alam ang details ng mga pangyayari before, which i believe the NO. 1 reason ng major major hurt na ito. Hindi ko alam ang lalim, ang level, ang length - ang alam ko lang I was DEEPLY HURT finding it out. Masakit malaman ang totoo. Sobrang sakit. Parang end of the world na. Parang wala ka nang iluluha pa. But i was able to move on. Unti-unti.

But then again, major major hurt pa rin pala ang bubulaga sa akin, pagkatapos ng lahat.At ang masakit pa, ni hindi ko alam kung paano ba mawawala ang major major na pagka -hurt ko? Ako lang naman ang affected. Ako lang naman ang bumubuhay sa matagal ng dead na issues. Anong magagawa ko?

Siguro talaga lang time heal all wounds. Di ko man masagot kung hanggang kailan ako mahu-hurt, okay na rin, pansamantagal pansamantala. :-x

Wednesday, August 25, 2010

Patience is a Virtue

May mga pagkakataon na talaga namang i te-test ang patience mo. Maraming tao sa paligid natin ang nagpapakita ng major major pagka-insecure and the worst part, you can't do nothing about it. I guess people get more insecure if you treat yourself just the way you are. Ganun lang kasimple.

yamieslife

Wednesday, August 4, 2010

Mean Girls Means Nothing

"You're so MEAN!!!",
'Yan madalas ang nasasabi natin kapag may pang-aalipustang nagaganap. Pananadya sa isang bagay na alam mong pwede kang makasakit ng damdamin ng iba, but then you seems just so fine, as if you did something nice, but the fact is, you're just really "INSECURE" with the person.

Haist, bakit nga ba nagkalat ang insecure sa office mundo? Minsan nasa front left mo lang, or minsan naman nasa labas lang ng cubicle paligid mo or worst, nakakubli sa masikip at makasalanan nyang office mundo.

Kung alam lang nila na pinahihirapan lang nila ang kanilang sarili. So pathetic diba? I really pity them. (bwahahaha) I do. Kasi naman sa araw-araw nilang buhay, wala silang magawa kundi i torture ang sarili nila sa pretensions. Believing that they have too much, but the fact is, there is none. Hindi sila makuntento sa buhay nila, kaya nagpapaka-MEAN na lang sila. At least dun pwede pa silang mapansin.

Mean Girls really Means Nothing, if kung hindi tayo papa-apekto sa kanila.  Tamah? 

Monday, August 2, 2010

Meet the Owner

Masarap kumain lalo pa at alam mo kung sino ang nag mamay-ari ng original recipe ng kinakain mo. Hindi 'bat ganun din tayo sa bahay? Masarap man o hindi kasarapan ang ating nakain, nakakain o makakain pa lamang, parati nating naitatanong, "Sino ang nagluto nito"?

Well, alam kong sa mga susunod kong kwento e, makaka-relate ka dahil one way or another, alam kong na encounter mo na rin sila sa buhay mo. Natikman mo na rin ang pinakakatangi nilang house specialty.



Meet the Owner # 1

Siya ay ang pinag-kakapitagang may-ari ng Rowena's Pasalubong - Ms. Rowena. Marami-rami na rin akong nababasang reviews about her specialties - tarts which comes in buko, mangoe, apple, ube and pineapple; cheesecakes (blueberry and strawberry), samut-saring sweet and spicy tamarind preserves at kung anu-ano pang masasarap na home-made food items.




Ang cute diba? Kahit na mejo nahalo ko ng kaunti (hihi)




Sikat ding itong si Ms. Rowena sa kape nya na parating may disenyo kapag nai-serve na sa iyo. Talaga namang humahalimuyak sa sarap at gayak ang kanyang kape. Katulad na lamang ng aking inorder na Hazel Nut Coffee...







Ayon pa sa aming pakikipag-kwentuhan kay Ms. Rowena, talaga raw intention nya na class AB ang kanyang tinatarget na market, para naman maiba sa mga kahanay nyang competitors outside, which infact, talaga namang kuhang-kuha nya ang kiliti ng bawat guests niya. At syempre pa, dahil na rin sa pag ka PR namin, Ms. Rowena let us taste one of her specialty bread - ang 'Banana Loaf Bread', na talaga namang panalo.



Rowena's Pasalubong can be found in # 152 Brgy. Francisco, Tagaytay City
Tel No. (046) 860 - 2481




Meet the Owner # 2


Siya ay walang iba kundi ang 'hunk' ng authentic greek cuisine in Tagaytay - Manuel Sapountzaki. Isa syang Greek na nakapang-asawa ng Pinay.









At dahil first time kong ma explore ng bongang-bonga ang Greek menu nila, i did not go into food that im not familiar with. KJ Arte lang ba? And so, i go for Lamb Shawarma. Masarap at malinamnam ang Lamb - tender. Mejo na overwhelmed lang ako sa hot sauce nila, kasi super anghang talaga. Dapat as in pinch of it lang ang paglalagay for a not so spicy food lover like me. Nevertheless, i really enjoyed the food.





Where to Find:
Manos Greek Taverna
Calamba Road, Brgy. San Jose, Tagaytay City
Tel No. (0916) 4298358





Meet the Owner # 3


Bawai Yong, the Master of Home-Made Vietnamese Cuisine. Ang salitang Bawai is a vietnamese term for lola. Ver and Yong Tatlonghari is the owner of the said Bawai's Vietnamese Kusina.










What i like most in Bawais is that you can really feel that you are actually at home. Bakit? Kasi sa mismong bahay nya sya tumatanggap ng guests. Oh, kitams, at home na at home lang ang aming feeling.








Ang sarap talagang i-enjoy ng Vietnamese foods. Dahil na rin siguro sa influence ng sister - in - law ko nahalf vietnamese, which i would say had a very great influence in me for liking the cuisine more.

Our choices: Goi Cuon, Chao Tom (pounded shrimp on sugarcane skewers), Goi Ga (Chix and Cabbage Salad). At dahil b-day celebration ito ni Joy, Bawai Yong gave us Banh da Lon or sapin-sapin in Filipino. (Too bad, hindi na namin nakuhanan ng picture).






Where to Find: Bawais Vietnamese Kusina
Brgy. Bukal, Silang Cavite
Tel No. (0920) 972 2924




 Meet the Owner # 4:


Johannes Zehethofer of Chateu Hestia. Sya ay from Vienna Austria. Familiar ang resto nya sa pagbibigay ng European dining experience.










We just ordered various desserts since we're all full na kakakain at kaka-meet ng owner :-D
Yun nga lang, nakalimutan ko na sa sobrang kabusugan ang mga desserts na 'to. Panacota na lang ang na recall ko. (Lesson learned: Wag masyado magpakabusog? :-D)







Where to Find:
Chateau Hestia Garden Restaurant
Lagusan Drive, Brgy. Bukal, Silang Cavite
Tel. No. (0929) 711 3289