Isang Sabado ng di inaasahan na pangyayari: sapagkat napasakay at napasabay ako sa mga taong di ko naman pangkaraniwang nakakahalubilo.
Isang Sabado ng kalungkutan: sapagkat di ko naman pinlano subalit, narito ako sa di inaasahang pagkakataon.
Isang Sabado ng pagkabalisa: sapagkat gusto kong makawala, subalit wala akong kakayahan kung paano. May i call a friend na ako, subalit ako'y bigo.
Isang Sabado ng pagkamangha: sa mga rebelasyon na ngayon lang nabibigyang kasagutan.
Isang Sabado ng pagkamuhi: sa mga pangyayari at sa mga walang pakiramdam at patuloy na kahihiyan ang idinudulot sa kanilang buhay.
Isang Sabado ng pagkukunwari: sa mga kasiyahang patuloy na nagaganap; na sa kabila ng mga ngiti at halakhak ay pait ang tunay na saloobin.
Isang Sabado ng katotohanan: na walang nais na magkubli ng tunay na nagaganap.
Isang Sabado ng balat-kayo: na sa kabila ng nakabilad na katotohanan, walang nais na maglantad sa publiko ng tunay na naisin.
Isang Sabado ng samahan: na hindi mabatid ang pinag-iba ng panaginip at realidad.
Isang Sabado ng pagtanggap: sapagkat pagsabay pa rin sa agos ang nananaig.
(Kung sa simula pa lamang ay narito na si Red, wala sana ako dito)
yamieslife
Ivan About Town celebrates twenty years in 2025!
2 weeks ago
2 comments:
"May i call a friend na ako, subalit ako'y bigo."
sorry naman wala akong pakpak that time di kita nadagit sa kanila...
mishu sis!
BAM! You got my post!
aylabyu sis :-)
Post a Comment