CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »
Showing posts with label life at work. Show all posts
Showing posts with label life at work. Show all posts

Tuesday, August 7, 2012

Japan Business Trip Extra Challenge

10 days of an official business trip...And when i say official business trip, this means, 8 hours of work, not to mention the official dinner meetings, which, normally starts from 6pm onwards. wheh! ...guess what comes first on my mind? I wonder how am i going to take picture of the foods, places and people the way i want to, and be able to create an extraordinary experience in an official business trip? haha.. Hmmm, sounds challenging.

And so after hearing the good news, i got excited and plan my "own itinerary" for the pleasure business trip,     (i mean).

Aichi prefecture. This is where we are going to spend our 10-day business trip. Aichi-ken is located in the Chubu region also known as the Tokai region. Capital: Nagoya

Below is the map of Japan highlighting the Aichi-ken prefecture.


 


In the itinerary sent to us by our mother company, we'll be visiting Japan's historical places as well as the Toyota Commemorative Museum of Industry Technology and Toyota Motors Corporation. (Assembly Line Plant Tour) as part of our cultural immersion.(How nice to be in the HR world! hihi)


Given with only restricted time and area of leisure and with only limited circle of influence, my challenge is to become a traveler of my own in the so-called business trip of my corporate world. And how am i going to do that?...Again, with only specified budget that i have?



Daily Allowance =Y1,500 for communication, newspaper, hygiene and sanitation, etc.
Meals = Y360 (bfast), Y400 (lunch), Y500 (dinner)
Transportation = Y440 to Y550 per ride via railroad (meitetsu)
Conversion details: 
USD to JPY = 79.143
JPY to PHP = 0.53207

Having said that, i need to create and build an experience thru the following:
  • Taste the famous local dishes : (authentic japanese) sushi, ramen, miso katsu (tonkatsu) and matsuzaka beef
  • Buy some of the 'must have' souvenirs: Torii (gateway passage), Chopsticks, wooden Kokeshi doll, japanese sweets, Haraiuku dolls (Japanese Barbie Dolls)
  • Visit and buy at 100 Yen Store
  • Visit Japan Historical Places such as Atsuta Shrine and Nagoya Castle and buy souvenirs there
  • Have coffee @Starbucks for free
  • Shop at Osu Shopping Street
  • Other unplanned activities (if there's any)

Oh, wish me luck, i guess! ♥

yamieslife

Friday, July 13, 2012

I Need a BREAK: ♥ Eng Bee Tin ♥

Dahil sa sobrang dami kong work loads these past few weeks, hindi ko na makuha pang mag-update ng bongang-bonga. Sobra na much pa ang nasa aking drafts. As much as i want na i-update, i-share, i-like, i-link ang mga experiences na napuntahan ko,hinay-hinay muna, nevertheless, here i am, blogging in the middle of chaos (hahaha, ako na!)

And what's best in a jam packed tasks at hand? Here's what i have to say:


Have a B-R-E-A-K; Have a Hopia Ube courtesy of Eng Bee Tin, the long leader and innovator of hopia. So, how influential Hopia Ube at this time of my life? Stress-relieving kaya! Agree? Aside from the fact that purple is just one of my fave color, hopia ube brings a lot of sweetness in me. haha. How? I don't know, its just that everytime i eat this famous oriental delicacy, it's like i'm in seventh heaven. :)

The purple yam continue to melt in my mouth and its so addicting, really. Kaya, here i am, enjoying every bite of my purple yam cake. 慢慢吃 (manman chi!)

                
Want to know more about how Eng Bee Tin brings Hopia to new heights? Its here.

Eng Bee Tin (Main)
628 Ongpin St. Binondo, Manila, Philippines
+63 (2) 242-9765
info@engbeetin.com


 yamieslife

Saturday, March 19, 2011

Anti-Pressure

i've been working out on a project for quite some time now, and i can't see any results. haist, andaming factors to consider. and i must admit, nahihirapan ako. na pre-pressure ako. andami ko pa man ding gustong gawin. grrrrr.... any anti-pressure out there?

yamieslife

Monday, February 28, 2011

Nega sa FB...wat to do?

bakit ang tao kapag naiinis, sa fb ibinabaling? as in sa wall nila. kung may galit ka or inis sa isang tao, pwede mo nman i-post sa wall nila mismo? you scared litte rat :-) hihi.

madami-dami na rin akong nababasang nega sa fb, anjan ung maiinis ka sa kasakay mo sa jip, tas magpopost ka sa fb mo ng "i had a bad day today, kasi may putok ung katabi ko, hmf". meron din naman na naiimbyerna ka sa kabitbahay mo, sabay post sa wall mo ng "can't you make linis and walis your own backyard huh?" tas andaming mag-li-like sa post mo. meron din naman na sobrang galit ka sa friend mo, sabay parinig sa wall mo ng, "friends don't make sulot thier boyfriend", tas may mag-co-comment ng "ok lang yan friendship, kaya mo yan!". hello? naagawan n kaya panu pa sya makaka-move on nun diba? haist. pero ang pinaka popular sa lahat is ung office war. anjan ung maiinis sa boss nila, tapos mag-popost sa fb ng "may utak ka ba?" or "ako kaya ang ilagay sa position mo, baka mas competent pa ako sau". meron naman na papa-hanginan ka lang, yung tipong guessing game tulad nito "ang department naman nila ang number one violator".

hay naku, pag ganyan ang nakikita ko sa newsfeed ko, hide button agad. wala akong panahon sa negativity. dapat puro positivity lang tau guys. dapat yung mga post mo, ung tipong makaka-inspire ka sa mga taong nakapaligid sayo. oo, wala naman masama kung maglabas ka ng hinaing, lalo nga naman kung may nakasakay ka sa jeep na amoy bulok na sibuyas, pero kung araw-araw na lang na binigay sa'yo na life ni god is puro negativity na lang ang ipi-no-post mo, aba naman, di ka na nakakatulong sa buhay ng ibang tao. at eto pa, kung magpaparinig ka rin lang sa officemate mo, better yet, confront him/her at sabihin mong, "hey officemate, you're not good as me, go to hell!!!" o diba, at least kau lang dalawa ang nakaka-alam ng away nyo, hindi ung may mag-li-like pa sa post mo. tse! siguro wala kang life (lovelife, familylife, nightlife, sis-life at kung anu-ano pang life) kaya araw-araw na lang nega ka! kung hindi mo naman kaya, sige na nga, i rerecomend ko na rin na magpaka-nega ka ng konting-konti lang.  pero dapat, i post mo yan sa wall nya, hindi sa wall mo, at sabihin mong "hey enemy wall, i dont like you, kasi masyado kang magaling, next time, pag-bigyan mo naman ako mag - shine, para ako naman ang napapansin". o diba at least mejo sweet ka pa ng lagay na yan. 

hindi ko nga ba maintindihan kung bakit may mga taong nega, lalung-lalo na ung isang officemate ko na parati kong nababasahan ng nega sa fb. makailang-segundo kong inisip kung bakit. at makalipas ng 2.1667 seconds, eto ang resulta:

una: dahil syang walang boypren. gustuhin man nyang magka-boypren, her looks doesn't permits it *wink*

pangalawa: hindi sya makapag-shopping, o wala siguro syang pang-shopping kaya ginagawa nyang past time ang pag-popost sa fb ng ka-nega-han. hay naku, advice ko sau, punta ka ng mall, kahit sa SM lang, para at least masiyahan naman yang mga mata mo sa latest trends ng fashion huh? pahiramin kita ng pangkaskas, kahit ako na ang magbayad. basta 0% interest lang ang i-a-avail mo ha?

pangatlo: hindi pa sya nakaka experience magpa massage. naku Ning, i try mo ito ha at ng may bagong daloy naman ng relaxation sa iyong katawan. for sure, magbabago ang takbo ng isip mo.

pang-apat: fb lang ang social networking site na meron sya.  try mo naman mag-register sa twitter, para at least, mas bongga ang tweets mo.

panglima: walang hilig ang travel sau. lapit ka lang sa akin, marami-rami na rin ako na pwedeng ma-i-recommend sau. yung iba, kahit di ko pa napupuntahan, nababasa ko naman ang karamihan sa blog ni chyng (yes, special mention, kasi super fan nya ako*hugs* ). para hindi puro fb ang inaatupag mo, mag blog ka, kahit maging silent reader ka lang. 

marami namang pwede magawa sa buhay na kapaki-pakinabang kesa magpopost ka ng nega. instead of being bitch, be a beach na open for all positivity. (may kunek ba? at least magka-ryhme). halimbawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay:

1. mag-pa salon ka para na rerebond ang hair mo, para pwede ka ng lumandi.
2. read books (traveling books highly recommended)
3. watch a movie w/ friends
4. mag coffee ka sa starbucks
5. mag pa dentist ka, para mabigyan ka ng advice kung kelangan ka ng i-bracket o hindi
6.  punta ka sa cosmetics section ng mall para maka select ka ng tamang concealer (iyon naman e, kung alam mo) 
7. kain ka sa ibat-ibang resto para ma explore mo ang ibat-ibang klase ng cuisine.
8. organize csr, tas propose mo sa akin baka sakaling i recommend ko pa sa mgmt.
9. mag out-of-town ka, gamitin mo naman vl mo, wag na lang yung parating convert to cash at the end of the year
10. get married

reflection: sabi nga sa Law of the Garbage Truck:

many people are like garbage trucks. they run around full of garbage, full of frustration, full of anger, and full of disappointment. as their garbage piles up, they need a place to dump it and sometimes they'll dump it on you. don't take it personally. just smile, wave, wish them well, and move on. don't take their garbage and spread it to other people at work, at home, or on the streets. 

Life is ten percent what you make it and ninety percent how you take it!
(serious ang ending?) pak!

yamieslife

Saturday, February 19, 2011

Food Trip on my nth year

Nth year anniversary ko sa work two days ago. wala akong preparation, hindi ko din binalak na mag treat man lang. ayoko kasi maki-uso. ang gusto ko kasi pag nag treat ako, totoo sa puso. (hehe). may report presentation ako sa management that morning, so sobrang tense ako. parang pakiramdam ko, ma-uumagahan ang beauty ko sa mga japs executives. haist. i have a feeling na aabutin na naman kami sa loob ng conference room ng 3 hrs discussing this and that and all those stuffs. buti na lang, May nag text! (on a vice ganda tone!) 
Textmate:"papa-order po ba aku ng chix inasal?" 
          AKO: "yes please :-)"

syempre, KKB noh! di kasi sila aware na its my nth year anniversary sa work. and so after 3 hrs...lunch time na. yey! antalap ng inasal. paid off ang hardwork. (ang babaw!)

3pm coffee break: sabi ni boss, mag ice cream tayo! sino ba naman ang ayaw ng ice cream, so sbi namin lahat, go basta charge sayo. ahihi. and so, for our 2nd foodtrip, icecream ni manang sa cafeteria. pwede na!

6pm, halos uwian na lahat ng employee maliban na lang sa masisipag at dedicated na uring manggagawa na katulad ko. *wink*
sabi ng isang boss kay boss: mag canton tayo, samahan natin ng loaf bread, corned beed and softdrinks! mabilis pa sa kidlat ang pag-dial ko sa fone, local 219

AKO:"helo manang, pa order po ng 10 pancit canton, 4 corned beef, one loafbread and isang 1.5 na softdrinks, charged to boss :-)"
Manang: "mam, iakyat ko na lang pu ba jan?"
AKO: "yes please, thank you" (ang lambing, pag libre food talaga).ahihihi

solve ang gutom ng mga uring manggagawa.

reflection ko sa sarili ko: hindi man ako ngpakain, kusang dumarating ang pagkakataon na may kasiyahan kang natatanggap out of nowhere, basta dumating lang. hindi man magarbo at puro kababawan ang naganap, stress relieving pa rin ito sa magulo, time-pressured, at ma-intrigang mundo ng showbiz na aking pinili. :-) ahihi. (parang wala naman kunek) ang gusto ko lang sabihin, baka dapat next year, magpakain nako *ding*

yamieslife

Wednesday, August 25, 2010

Patience is a Virtue

May mga pagkakataon na talaga namang i te-test ang patience mo. Maraming tao sa paligid natin ang nagpapakita ng major major pagka-insecure and the worst part, you can't do nothing about it. I guess people get more insecure if you treat yourself just the way you are. Ganun lang kasimple.

yamieslife

Wednesday, August 4, 2010

Mean Girls Means Nothing

"You're so MEAN!!!",
'Yan madalas ang nasasabi natin kapag may pang-aalipustang nagaganap. Pananadya sa isang bagay na alam mong pwede kang makasakit ng damdamin ng iba, but then you seems just so fine, as if you did something nice, but the fact is, you're just really "INSECURE" with the person.

Haist, bakit nga ba nagkalat ang insecure sa office mundo? Minsan nasa front left mo lang, or minsan naman nasa labas lang ng cubicle paligid mo or worst, nakakubli sa masikip at makasalanan nyang office mundo.

Kung alam lang nila na pinahihirapan lang nila ang kanilang sarili. So pathetic diba? I really pity them. (bwahahaha) I do. Kasi naman sa araw-araw nilang buhay, wala silang magawa kundi i torture ang sarili nila sa pretensions. Believing that they have too much, but the fact is, there is none. Hindi sila makuntento sa buhay nila, kaya nagpapaka-MEAN na lang sila. At least dun pwede pa silang mapansin.

Mean Girls really Means Nothing, if kung hindi tayo papa-apekto sa kanila.  Tamah? 

Wednesday, June 23, 2010

Bakit kelangan naka uniform ako pag may gimmik???

Kaya mo bang sagutin ang tanong ko? Bakit nga ba?

a. SobrangLoyal lang talaga ako
b. Busy lang, walang time mag-change outfit (pachencha na)
c. Hindi ako sinasabihan ng aking mga fwends na mag-change outfit
(i hatechuuuu...huhuhu)
d. Walang pamalit (sobra naman! nakaka hurt, ouch!)
e. None of the Above

Di ko nga ba maintindihan kung bakit madalas nagkakataon na pag may gimik kami e, parati na lang naka-uniform ang drama ng lola mo. Hmp. Saan ba nagsimula ang pagka pansin ko sa uniform ko? Hmmm, a, oo, nung kumain kami sa Kingbee, isang Chinese Restaurant na malapit lang sa aking pinag-tatrabahuhan, around 5-10 mins travel away from our company. Nagkita-kita ulit kaming mga mag-si-sisters upang pag-usapan ang isa na namang mahalagang lakad sa aming buhay (oo na, gala na kung gala). At syempre kasama din namin ang aming bestfriend camera ni joyee. Super pose pose pa kami nang suddenly bigla kong na realize na hello? naka uniform na naman pala ako. (haisst)...

Naisip ko, wala namang masama right? I love the way I am, yun nga lang parang extension parati ng work ko ang mga mangilang lakad namin na dapat ay stress free.

I-refresh ko muna ang aking memory lane chuvaness sa mga ilang lakad na naka office outfit pa ang lola mo okies?





O, kitam, old uniform pa ko nito, pero keri pa din. Papapigil ba ako pag coffee na ang pinag-uusapan? Hindeeeee!!!



At eto pa ang isa o, obvious ba sa aking katawang lupa ang pagka stress? Syempre kelangan idaan sa pagkain pag stress diba? So kesehodang naka uniform pa ko, go lang ng go!!!



At nakuha ko pa talagang mag-jacket ha? Para 'di obvious ba? Honestly bagyung bagyo lang kaya po naka jacket. Pagbigyan na, mahal magkasakit ngayon =)






At kala mo ba tapos na? Old uniform nga diba, so asan naman ang compilation ko ng mga gimmik na naka NEW uniform na!?! Well, take a look. (Mamatay na tumawa!!!! Jokeness!)


After having said all those, balik tayo sa big question ko, Bakit nga ba? While i was thinking all the possible answers given above, bigla na lang pumasok sa isipan ko na nung high-school pa lang ako, gustong-gusto kong mag-uniform - white blouse (baby collar pa, haha) checkered skirts, white pair of socks and a doll shoe, with matching back pack pa (san ka pa?) I just feel comfortable, kahit na may sundo pa akong suitors (plural talaga teh???), oo plural talaga, tanong mo pa sa bestfriend ko nung high-school, kaya lang nasa Saudi na sya ngayon at isang ulirang RT. Anyway, segway, ganun na nga, mas masaya and complete ang feeling ko pag naka uniform, sort of security ba? Hindi dahil proud ako sa school ko or dahil Head Teacher si Dad sa school na yun. Hindi lang ako nasanay, na uuwi pa muna sa house para lang mag-change ng outfit then maki pag date, e di paano na kapag nagpaalam na me kay Mom? Lalong hindi na ako pinayagan. Para mas madali ,pwede na makipag-date kahit naka uniform then pag-uwi ng gabi - "Mom, nag group study kami e" (lusot!) 
Define date during that time: Naglalakad-lakad sa isang private village, kahit hindi naman kami taga-roon. Holding hands while walking at walang sawang nag-kwekwentuhan ng walang ka-kwenta kwentang bagay. Wala pa kasi kaming budget nun. *sniff* 
Nung nag-college na ako, same old strategy, "Mom, pasenya na at ginabi ako, nag group study kasi kami" (lusot na naman - tibay mo teh?) But seriously, mas gusto kong naka-uniform ako with matching red necktie pa (similar sa skirt). Ai naku yung mga guard, habol ng habol sa mga kolehiyalang walang necktie but not to me, (haha). Ang problem ko lang that time, kahit PE subject, naka blouse-skirt uniform pa rin me. Ang hirap lumusot sa prof that time, kaya i dinaan ko na lang sa pa gift-gift! (presto! pasado!) But i dont think na ung passion ko sa pag susuot ng uniform has something to do with me in uniform pag may gimmik: 
*First and foremost, hindi blouse-skirt-dollshoes ang uniform ko. 
*Second, wala naman akong i-dedeyt and 
*Lastly, wala naman akong curfew. 
So, hmmm, bakit nga ba?  Most of the time, pag dinner and coffee din lang ang agenda naming mag-si-sisters, hindi na ako nag-aabalang mag-change outfit pa kasi nasanay na rin ako ng dinner meeting sa labas, so somehow for more than 10 years in the corporate world e, bilang talaga ang bawat segundo. After office hour din kasi mostly ang available time namin. I worked 8-12 hrs a day, minsan 14 hrs pa nga pag super kelangan i-meet ng deadline (pakunsyensya ba?) Hay naku, kamusta naman ang lovelife-family life ko? Kaya naman, pang-alis stress derecho na sa dinner and/or coffee agenda na. TA--MA!

So, I'd rather choose letter B as my answer. Final answer. :-D